Hello boys & girls. Long time no post. Haha. Busy girl iih. Na-miss ko na mag-post ng sandamakmak na blogs at kung anu-ano pa. Santambak na yung gusto kong i-post. Promise, soon. :)
Hello boys & girls. Long time no post. Haha. Busy girl iih. Na-miss ko na mag-post ng sandamakmak na blogs at kung anu-ano pa. Santambak na yung gusto kong i-post. Promise, soon. :)

Anonymous asked: Bakit hindi ka na madalas pumupunta sa gig ng Callalily?
Pumupunta pa rin naman ako. Mga weekly? Haha. Pero ngayong March, hindi pa ko ulet nakapag-gig. Hindi naman porket hindi na madalas mag-gig ayaw na agad. I still love them. FOREVER yun. :)

Anonymous asked: Dont you like kean anymore?
I still do. Why?

PSILY Taping
November 16, 2011
Tomas Morato
Eto yung umiyak ako ng bongga dahil sa mga kaganapan sakin sa school. Haha. Yung tipong pagod na pagod talaga ko at nag-effort ako ng bongga tapos wala akong napala. Sus! Kaya naisipan ko na lang dumalaw sa taping, pantanggal baliw. :)
Pagdating ko dun nasa Talentadong Pinoy sila eh. Kaya hintay mode kasama friends ko. Kwentuhan, as usual. Tapos sa gutom ko, napakain kami ng pansit. Hahaha. Ang mahal lang. Bitin pa! Haha.
Si Kean na lang yung bumalik nun, actually. Sabi pa nya nun samin, feeling nya daw yun yung pinakamahabang araw nya. Kay dami nya kasing ginawa buong araw. As in literal. Sa pagkakaalam ko, 6am yung call time nya nung araw na yun. Wawa aman.
Binigyan ko sya nun ng oatmeal cookies. Natuwa naman sya dahil pang-diet daw yun. Hahaha. Ikaw na ang consistent sa pagda-diet talaga. Pagkabigay nya kay Kuya Arman ng cookies, sabi nya, “I’ll be back.” So hintay mode kami.
Habang naghihintay, may nakita kaming kuya na nagbebenta ng roses. Nag-joke ako sa mga kasama ko na gusto kong bigyan si Kean nun. Sabay napatanong na kami kay manong kung magkano. Bongga sa discount si kuya kaya napabili na talaga ko. Hahaha. Tapos nun nilagyan ko ng note. Mga kung ano lang. Hehe.
Hintay… Hintay… Hintay…
Susmiyo! Yung hinihintay pala namin ay natutulog! Hahaha. Akala namin nasa tent dun sa may location ng taping. Eh ampetsa na nun. Inabot na kami ng 12mn pero nasa dreamland pa rin sya. Sinubukan syang gisingin nila Tatay Jums at Kuya Arman dahil aalis na kami kaso wa epek talaga. Nagsasalitang tulog. Hahaha. Kaya iniwan ko na lang ang white roses sa loob ng kotse nya. Di ko makakalimutan talaga yung itsura nya nun habang natutulog. Pormang fetus lang at pagod na pagod. Nakita ko pa yung binigay kong oatmeal cookies na bukas at nangalahati na. Nakatapat ng bongga sa aircon. Haha. Instant ref. :P
Yung plate naman na ANA, nakita namin yan nung naglalakbay kami papuntang Quezon Ave. Naghatid ng mga kasamang uuwi na. Hindi pa nun dumadating si Kean. Ayun. Haha.
Tenkyuberimats. :)

Anonymous asked: ilang taon ka na?
20. ;)
PSILY Taping
November 14, 2011
Loyola Chapels, Commonwealth
Isang literal na tambay lang at kwentuhan. Kahit medyo maulan, di talaga papatinag eh. Hahaha. Go lang ng go! :)
Paglabas nya…
K: Alam nyo, malungkot ako ngayon.
A: Bakit?
K: Basta.
Eh di basta. Sabi nya eh. Alam naman nating wala akong palag kapag sya na ang nagsabi. Though nakaraan naman na ang mga kaganapan sa kanya nun. At oks na ang lahat. :)
Tapos kwento sya…
K: Alam nyo, parang iba yung takbo ng utak ko ngayon?
A: Panong iba?
K: Yung parang relo. Diba clockwise sya? Pero yung utak ko parang nagiging counterclockwise. Basta ganun. Iba eh. Iba.
A: Labo.
At habang nagkkwento sya ng clockwise-counterclockwise na yan, eto itsura nya…
Oha! With actions kasi talaga magkwento. Haha. Tapos yung isang picture, ninanamnam nya yung dala kong piaya. Ansarap lang ng kain nya. Haha. Ang nakakaaliw pa dun, kakain sya tapos magma-mouthwash, kasi nga taping. Tapos kapag naisipan nyang kumain ulet, kakain sya. Tapos mouthwash ulet. Hahaha. Nakailang kain-tapos-mouthwash sya bago mag-take. Minamaya’t maya nya eh, inuunti-unti. Hehe.
Ganito kami tumambay nun…
Perpek! Haha. Upong steady lang. Bigyan natin ng title tong picture na to. Let’s call it Close-Open. Hahaha. Eh kasi namn eh oh. Haha.
Tapos matapos kong magpa-picture, dahil ako ang last, nagsi-upuan na ang lahat…
Hindi pala lahat naka-upo. Haha. Pasensya. Tapos nyan, iPhone iPhone sya tapos kami kwentuhan, kulitan. Pero kahit naman nag-a-iPhone sya, nakikitawa pa rin sya sa mga kalokohan namin. Hehe. Tapos nabanggit ko sa kanya jan na na-interview ako nung sa Commonwealth. Magkkwento pa lang ako ng bongga, kaso biglang may tumawag sa kanya. Kaya yun, di na natuloy. Hehe. Pero oks lang. :)
At eto kaming lahat na nandun…
Normal at wacky. Haha. Salamat Tatay Jums for taking these photos. Tenkyuberimats. :)
At eto pala sinulat nya sa notebook namin…
Ayan. Eh kasi sad nga daw sya. Wala nang dapat i-explain pa. Hehe. Pero sa totoo lang, kapag nakikita ko yang sulat na yan, kahit hanggang ngayon, napapalungkot pa rin ako. Ewan kung bakit.
Anyways, after sa Commonwealth may taping pa sa St. James. Dapat 9pm sila dun eh. Kaso nagtagal jan sa Loyola, inabot kami ng 9pm. Kaya nung sinabi ko sa kanya na pupunta din kami ng St. James, sabi nya, “12mn pa kami dun.” Na-shock naman ako. Haha. Pero pumunta pa rin kami dun. Baka sakali kasing makita namin yung tatlo. Eh kaso umalis naman pala sa location dahil nga 12mn pa. Si Kean naman nagpa-tattoo nyan bago pumunta ng location. Yung Salamat tattoo nya, yun yon. :)
Eh mahirap din naman kasi makapasok dun sa school kaya umuwi na lang din kami. Kelangan pa kasi namin sila hintayin para makapasok kami sa loob. Kaya yun. :)
-A♥
Callalily Mall Show
November 13, 2011
SM Fairview
Walang malayo! Haha. Go sa bundok! Chos. Napakalayo naman kasi netong SM Fiarview na to! As in literal na NAPAKALAYO! Haha. Tipong kami yung unang sumakay sa jeep tapos kami rin yung huling bumaba. Kaantok eh. Haha. Dahil sa layo hindi na tuloy namin naabutan yung set ng Gracenote at Ernville. Pagdating namin pa-umpisa na si Kleggy. Ay yayay! Bundok! Hahaha.
Buti na lang hindi pa nakakaalis sila Kuya Manny at Kuya Ernest kaya nakapagpa-picture pa kami sa kanila at pati na rin sa buong Gracenote…
Sayang kasi nakaalis na sila Jim at Kuya Cholo. Napag-alaman kong may sakit pala nung time na yan si Jim. Yung isang kasama namin sa pic w/ Kuya Manny at Kuya Ernest, di ko knows kung sino. Haha. Basta sinama sya ni Kuya Ernest eh. Kaya go! Hehe.
Ang labo ng title ng post no? Haha. Ganito kasi yan. Nakatayo lang kami dun sa gilid ng stage at nanonood. Sila Kleggy ata yung tumutugtog nun. Sabay may biglang lumapit sakin sa babaeng may hawak na mic at may kasamang cameraman. Sus! Interview pala! Hahaha. Yung tipong sobrang gulat ako na ang sabaw sabaw ng sagot ko. As in grabe lang. Haha. Basta parang ang labo ng lahat ng sagot ko sa kanya. Ewan! Haha. Parang ganito yun eh…
Q: Gusto mo si Kean?
A: Sakto lang.
Q: Gusto mo nga si Kean?
A: Oo.
Q: Bakit mo sya gusto?
A: Kasi mabait sya. Tsaka…. humble!
(Hahaha. Down to earth dapat sasabihin ko eh. Kaso humble yung unang pumasok sa utak ko. Haha. Takte!)
Q: Anong masasabi mo kapag nagpe-perform sya sa stage?
A: Professional. Astig. Sobrang astig.
Hahaha. Ang labo ko sumagot diba? Shocked eh. Sorry naman. Haha. Sorry K. Hindi ako kasi prepared sa mga ganyan. Literal kasing biglaan. Hindi man lang nagsabi si Ate kung pwede nya akong interviewhin. Alam mo yun? Kung sinabi nya, eh di matino sana mga pinagsasabi ko. Kasalanan nya eh! Hahaha. Charot. May phobia na tuloy ako sa mga cameraman na yan. Hahaha. Anyway, para sa Follow That Star pala yang interview na yan. Mukhang hindi naman ata pinalabas yung interview ko. Hahaha. Di ko knows eh. Di ko kasi napanood dahil nasa gig. Pero sana hindi talaga pinakita. Hahaha.
At eto ang mga pictures kasama sila Kuya Rye, Kuya Jimbo, at Kleggy baby…
Salamat sa guitar pick Kuya Rye. Balak kong gawing pendant na hanggang ngayon ay hindi pa natutupad. Haha. Si Kuya Jimbo ay may sore eyes nang mga panahong yan. At ang tiyaga lang ng gelpren ni Kleggy na itirintas ng bongga ang buhok nya. Tinanong ko kasi kung sino gumawa. Hehe. Sabi nya pa nga, “Gilfriend ko. Ay hindi, boyfriend.” Hahaha.
At eto ang pinakanakakatawang picture nang araw na yun…
Hahahahaha. Pogi no? Haha. Kay Kean yan. Napagtripan ko lang isuot. Naintriga ako eh. Haha. Yung tipong ang hirap lang huminga kapag suot mo kasi walang butas yung ilong. Kaloka! Haha. Naka-indirect kiss daw ako sabi ng isa kong kasama. Haha. Baliw ampotek! Di ko na ulit isusuot yan. Baka sa susunod hindi na talaga ko makahinga nang tuluyan. Haha.
Eto daw yung talagang na-expose dun sa Follow That Star…
Group picture na kasi nagmamadali sya nyan papuntang Makati para sa Star Awards. Sakto nga daw dating nya dun eh. As in pagdating na pagdating nya, sya na yung magpe-present ng award. Hahaha. Hingal tuloy sya ng bongga. Tapos nun, wala na. Uwi na rin. Tila napadaan lang. Haha.
Tapos pagbalik namin ng mall, naspatan namin sila Aaron at Tatsi…
So, san ka nakatingin Aaron? Haha. Sabi ni Tatsi nyan, “Wow! Hanggang SM Fairview ah. Sa susunod Davao naman.” Hahaha. Ansabe ng Davao? Aylabyu Tatsi. Haha.
Pero mai-try nga talaga yung Davao minsan. Hahaha. Tenkyuberimats ebriwan. :)
-A♥

carefulconfession asked: Thank you!! OMG lucky ka talaga. /inggit ako haha. Hays sana bumalik na siya (siya kasi talaga gusto ko sa CL. hehe share. ) :( Ayun, thanks uliiitt :>
He wants, actually. Ewan lang kung ano na nangyare. Hehe. No problem. ;)

carefulconfession asked: Do you have picture with kuya alden? If you have may I see? hahahah :>
Yes, I do have. Eto yung latest…
Sorry mukhang ewan itsura. Hahaha. Antagal na kasi nung iba eh. Kaya yan na lang. ;)